Ikaw si Omar Mateen

Nakalulungkot at nakababahalang isipin na hindi lamang si Omar Mateen, Orlando shooter, ang may sala sa pagpanaw ng limampung inusenteng kaluluwa sa isang kisapmata. May katuwang s’ya sa pagsasagawa ng karumal-dumal na krimen.

Ikaw.
Tayo.
Ang lipunan.

Sa bawat pangungutya, bawat diskriminasyon, bawat paghahatol at pagwawalang-bahala sa proteksyon at karapatan ng mga LGBT, para mo na ring inuusig si Omar Mateen at ang mga katulad n’ya na damputin ang baril at pumatay ng inusenteng tao.

Sa bawat kalabit ni Mateen ng gatilyo ng baril, naroon ka, nagbibigay ng lakas at motibasyon sa kanyang mga kamay. ‘Wag mo sanang kalimutan na mas pinadali mo para sa kanya na gawin ang masaker. Lipunan ang nag-kundisyon sa kanyang isip na mababang uri ng tao ang mga LGBT. Na kami ay “makasalanan.” “Masahol pa sa hayop.” “Mga anak ng demonyo.” Kayo ang nagtanim ng galit sa kanyang puso. Kayo.

‪#‎PrayForOrlando‬? Kanino kayo magdarasal? Sa parehong diyos na gusto kaming pagpapapatayin at lipulin? ‘Di bale na lang. Hindi namin kailangan ang awa ng isang mamamatay tao.

Patuloy ang laban.
Patuloy ang mga maiinit na yakap at masisidhing laplapan.
Patuloy ang pagmamahalan.
Ang pag-ibig ay pag-ibig.
Wala itong pinipiling edad, kulay, kasarian o relihiyon.

Hindi kami natatakot. Karapatan namin ang magmahal. Karapatan namin ang mabuhay. May kapangyarihan at dominyon kami sa aming mga katawaan. Kami ang nagmamay-ari nito. Hindi ang diyos n’yo. Hindi kayo. Hindi ang lipunan.

Capture

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s