Gusto na kita.

Sinasabi ko na nga ba. Ilang beses ko nang winarningan sarili ko na wag kang tingnan pag sumasayaw ka. Sobrang ilang beses. Pero, tanga talaga ‘ko. Pinanuod kita..sa lahat…ng sayaw mo. At siyempre pa, lalo lang akong na-fall sa’yo. Anak ng tipaklong naman o.

Alam kong alam mo na gusto kita. Kaya nga ligayang-ligaya ka pag pinagseselos mo ‘ko, ‘di ba? Kasi nga alam mo na hindi ako magrereact..nang bayolente. Haha. Pero nung sinabi mong gusto/mahal/crush (‘di ko maalala yung eksaktong word kasi medyo nabingi ako nun) mo pa rin SIYA, winish ko na sana..sana..wait ..nakalimutan ko winish ko nun. Nyaha. Ano ba naman kasi ako, lagi akong naiinlove sa mga dancer (na best friend ko..haha).

Minsan iniisip ko kung ba’t ‘di mo ‘ko magustuhan. Una sa lahat kasi, hindi ako maganda. Yung magandang-maganda (katulad NIYA). Haha. Bitter. Tas sabi mu pa noon, gusto mo yung malakas yung dating..at talentado. Whatever. Inasar pa nga kita na SIYA ang tinutukoy mo. Tas tumawa ka lang. Whatever ulit. Palibhasa kasi, magaling din siyang sumayaw. Hay. Ano ba naman ang alam ko sa mundo niyo. Talentado siya, ‘di ba? Naisip ko ngang parang nasa kanya na nga ang lahat e..malamang naisip mo rin yun. Tas magaling din pala siyang kumanta..at marunong siyang mag-piano..at magaling siyang mag-drawing..at..perpekto siya sa paningin mo. Uhmm. Ako, ano lang ba’ng kaya kong gawin? Hindi nga man lang ako natutong magbukas ng stove e.. Pero magaling naman akong magdrawing ah..wala nga lang nakakaalam..haha. At magaling akong magpaikot ng ballpen..nyahahaha.

Ilang beses na kitang sinubukang iwasan/kalimutan/dedmahin. Pero anong napala ko? Wala!! Lagi lang akong in-e-LBM pag dinededma kita. Asar!

Ano bang magagawa ko kung siya pa rin gusto/mahal/crush mo? Wala naman, ‘di ba?

Ano lang ba ‘ko?

Taga-gawa ng assignments mo,

Taga-print ng reports mo,

Taga-edit ng pictures mo,

Taga-update ng friendster mo,

Taga-enrol,

Taga-ayos ng sched mong magulo,

Taga-explain ng concepts na hindi mo maintindihan,

Taga-picture mo,

Tagapagtanggol mo (andami kasing nang-aapi sa’yo di ba)..

..sidekick mo lang ako, ‘di ba Ru? Sidekick.

Samantalang hindi nga ako pinagbubukas ng stove sa bahay namin. Hmpf.

Tapos..bigla-bigla (as in, walang kaanu-anong bating panimula) mong sasabihin sa’kin ang drama mong she still has your heart?? Darn it.

 

 

***

This is timeless kilig. To the person who originally posted this on Tabulas, I still want to talk to you someday (she’s a girl, btw).

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s