Jenny

Author’s note: I started this story way back in 2008 but I didn’t have the enthusiasm to finish it then. Read it again today, it sounded promising so I gave it the closure it deserves. Enjoy!

May kakaibang kabigatan akong nararamdaman sa aking kalooban dala marahil ng nakakatakot kong panaginip kagabi, isang panaginip na hindi ko na nais balikan at maalala pa.

Hindi na ako nagtaka na paggising ko ngayong umaga ay maayos ang panig sa kama ng aking asawa. Hindi na rin ako nagtaka na hindi ko na siya naabutan paggising ko. Ano ba ang silbi ng isang babaeng asawa? Sinubukan kong hanapin ang pakli sa tanong na iyan sa kahabaan ng aming anim na taong pagsasama ngunit tila isa itong hayop na mailap sa taong gutom sa mga kasagutan ng buhay. Ano nga ba ang silbi ko sa aking asawa? Ginagawa ko ang lahat upang matugunan ko ang mga tungkulin ko bilang isang mabuting maybahay sa kanya, ngunit may isang bagay akong kailanman ay hindi maiibibigay kay Michael – isang anak. Hindi ba’t napaka-ironic na ang isang pediatrician na tulad ko ay walang abilidad na magbuntis. Araw-araw akong nakikisalamuha sa mga babaeng nagdadalang-tao, binibigyan ko sila ng health advices at tinutulungan silang lutasin ang kanilang mga prublema sa pagbubuntis samantalang hindi ko masolusyonan ang sarili kong prublema. Wala akong magawa. Sinubukan na namin lahat ng maaaring gawin upang magbunga ang relasyon naming ito ngunit walang nangyayari. Naramdaman kong sumuko na rin ang aking asawa. Wala na akong ibang magagawa kung hindi isuko na din ang aking pangarap na balang araw ay magiging isang ina ako.

Dahil sa aming kakulangan, sa ibang aspeto na langna buhay namin kami bumawi. Ang pagbili namin ng bagong bahay na ito ay isang malaking pagkukunwari na masaya pa rin ang aming pagsasama. Masyado itong malaki para sa aming dalawa. Maraming mga espasyong hindi kailanman ay magagamit. Pero wala akong magagawa. Ito ang aking sumpa.

Unang Pasko namin ni Michael sa bahay na ito. Masaya naman ako sa bago naming tirahan. Maganda ang disenyo at pagkakagawa nito, ngunit hindi maiiwasan siguro sa isang bagong lipat na may maramdamang kakaiba sa bagong tirahan niya. Ngunit umpisa lang naman siguro iyon. Sana.

Tumayo ako mula sa aming kama at nanalamin. Inayos ko ang aking buhok na may haba na hanggang sa aking baba. Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang aking mga kamay. Pinagmasdan ko ang aking mga mata ng malapitan. May napansin akong panibagong mga linya sa paligid ng aking mga mata. Wrinkles. Isa sa mga bagay na kinatatakutan ng mga babae sa aking edad. Forty-two years old na ko sa susunod na ‘ko sa susunod na buwan. Tumatanda na ‘ko. Napapagod na. Natigilan ako sandali at suminghot-singhot. May kakaibang amoy ang kwarto namin ngayon. Mabaho. Masakit sa ulo. Oras na para linisin ko ito, tanggalin ang mga dumi at itapon na ang mga hindi na kailangan.

Bumaba ako mula sa second floor at nagtungo sa sala. Napansin kong magulo ang mga throw pillows sa mga sofa, indikasyon na hindi na naman natulog si Michael sa aming kwarto. Dinampot ko ang dalawang throw pillows sa malamig na sahig at ibinalik sa mga sofa. Napansin ko din ang ilang bote ng alak sa maliit ng mesa sa gitna ng mga sofa. Uminom na naman siya. Bumuntong-hininga na lang ako. Lumapit ako at napansin ang isang kakaibang bagay sa tabi ng walang laman na mga bote ng alak. Isa itong ID picture ng isang babae. Teenager. Pinulot ko ito at pinagmasdan sandali. May kakaibang sensasyon akong nadama na umagos sa aking katawan. Nakatakot. Nakakapanindig-balahibo. Tinignan ko ang nakasulat sa likuran ng larawan. Isang pangalan at isang address. Tumingin ako sandali sa labas ng bintana ng sala at nag-isip. Pagkatapos, dali-dali akong umakyat ng second floor upang maligo.

***

Sinubukan kong tawagan ang aking asawa habang nagmamaneho ako ng kotse ngunit hindi niya ito sinasagot. Kinuha ko ulit ang larawan sa aking bag at tinignang muli ang address sa likuran nito upang i-check kung nasa tamang landas ako. Dalawang pangunahing emosyon ang nararamdaman ko – galit sa aking asawa at awa sa aking sarili.

Hindi ako kaagad lumabas sa kotse ng marating ko ang address. Pinagmasdan ko ang bahay. Di hamak na maliit ito kumpara sa bago naming bahay. Nasa middle or lower class marahil ang mga nakatira dito. Nag-isip muna ako sandali at kinausap ang aking sarili. Tama ba itong gagawin ko? Oras na ba? Kaya ko ba siyang harapin? Pagkatapos kong masagot lahat ng mga tanong na ito, lumabas ako kaagad sa kotse dala-dala ang larawan sa kaliwang kamay at ang aking handbag sa kanan. Tinignan ko ang numero na nakapaskil malapit sa pinto ng bahay. Chineck ko naman ang nakasulat sa larawan. Positibo. Nasa tamang lugar ako. Kumatok ako sa pinto. Mahina muna. Nang wala akong natanggap na tugon ay nilakasan ko ang pagkatok. Isang boses ng babae ang narinig kong tumugon sa aking mga katok.

“Jenny!? Ikaw na ba ‘yan?”

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang na buksan niya ang pinto. Pagbukas nito’y isang babae na kasing-edad ko o mas matanda ng ilang taon ang tumambad sa akin. Nagkatinginan kami.

“Magandang umaga,” bati ko.

“Maganda umaga. Ano pong kailangan nila?”

Inangat ko ang aking kaliwang kamay at pinagmasdan ang mukha ng babae sa larawan. Pagkatapos ay ipinakita ko ito sa kanya.

“Kilala mo ba siya?”

Kinuha ng babae ang larawan mula sa aking kamaya. Natigilan ito. Tila panandaliang nawala sa kanyang sarili. Nang makabalik ito’y inimbita niya ‘kong pumasok sa loob ng bahay. Pinaupo niya ko. Pinagmasdan ko ang bahay. Mas maliit pala ang kalooban nito. Itinuon kong muli ang mga mata ko sa babae.

“Kilala mo ba siya?”

“Anak ko siya,” sagot ng babae.

“Nasaan siya?”

“Kahapon pa siya hindi umuuwi. Maari ko bang malaman kung bakit nasa iyo ang larawan ng anak ko?”

“Kaibigan ko siya. Alam mo ba kung nasaan siya?”

Umiling lang ang babae, “nag-aalala na nga ako sa kanya. Sinubukan kong tawagan ang kanyang telepono ngunit nakapatay ito.”

“May alam ka ba na maaari niyang puntahan?”

“Kina Aki, ang bestfriend niya. Kaso tinawagan ko na si Aki at ang sabi niya’y hindi nagpunta si Jenny sa kanila.”

“Jenny?”

Tumango ang babae, may pagtataka sa kanyang mukha. Pinagmasdan kong muli ang paligid ng bahay at napansin ko ang isang pintuan na bukas. Nakita ako ng ina ni Jenny.

“Kwarto iyan ni Jenny,” ang sabi niya.

“Maaari ba akong pumasok?”

Tumayo ito naglakad papunta sa pintuan. Inimbitahan niya akong pumasok.

“Hintayin mo ‘ko sa loob,” ang sabi niya, ‘ikukuha kita ng maiinom.”

Nagmasid ako sa kwarto. Maliit lang ito kumpara sa kwarto naming mag-asawa. May isang makitid na kama lang na punung-puno ng mga stuffed toy, isang kabinet at isang maliit na study table. Naupo ako sa kama. Kinapa ko ito. Puno ng himulmol ang bedsheet nito. ‘Di hamak na mas makinis ang kama naming mag-asawa. Naglakbay ang aking palad sa ilalim ng mga unan. May nakapa akong isang bagay. Hinugot ko ito. Isang maliit na notebook. Mabilis ko itong isinilid sa aking bag bago dumating ang babae. Pagdating niya’y inabot niya sa ‘kin ang isang baso ng juice ngunit tumayo ako.

“Saan nag-aaral si Jenny?”

***

Nagmaneho ako ng mabilis papunta sa lugar ng isinagot sa ‘kin ng ina ni Jenny. Nagulat ako ng mapansin ko ang kotse ng aking asawa ng naka-park malapit sa gate ng high school. Itinabi ko mula sa daan ang aking kotse habang pinagmasdan ang aking asawa at ang babaeng kausap niya sa loob ng kotse. Kinuha ko ang larawan sa aking bulsa. Magkaiba ang babaeng kausap ng aking asawa at ang babae sa larawan. Sino na naman kaya ang panibagong babaeng ito?

Bumaba na ang babae sa kotse. Umandar na din ang kotse ng aking asawa. Patungo ito sa kalyeng kinaroroonan ko. Itinago ko ang aking muka hanggang sa makadaan siya ng hindi ako napapansin. Pagkatapos ay umabante na rin ako sa gate ng high school. Papasok na sana sa loob ang estudyanteng babae na kausap lang kanina ng asawa ko nang bigla kong dakmain ang braso nito. Nagulat ito at napatingin sa aking mukha. Nanlaki ang mga mata nito.

“Mag-usap tayo.”

Takot na takot itong sumigaw at pinagtutulak ako. Nagawa niya akong mapaurong at mabitawan siya. Tumakbo siya papasok ng gate ng eskwelahan. Hindi ko na sinubukan pang habulin pa. Tama ang aking kutob. May relasyon sila ng aking asawa, at may kinalaman sila sa pagkawala ni Jenny!

Pagdating ko sa bahay, ang kotse ng asawa ko kaagad ang napansin ko. Lumabas ako ng kotse at hindi na inayos ang pagkaka-park nito. Umakyat ako ng mabilis sa second floor papunta sa aming kwarto. Nakita ko siya doon na nag-eempake. Nilapitan ko siya at lumuhod sa kanyang likuran. Niyakap ko ang kanyang mga hita.

“’Wag, Michael! Ayoko! ‘Wag mo ‘kong iiwan!”

“Nora, I’m sorry pero wala nang patutunguhan ang relasyong ito. Kinausap ko na si Attorney at – “

“Ayoko! Please, Michael! Don’t do this to me! Mahal na mahal kita.”

Tinanggal ni Michael ang aking mga kamay mula sapagkakabigkis ng mga ito sa kanyang hita at itinulak ako papalayo sa kanya. Tumayo ako at naghubad sa harapan niya.

“Michael, one last chance. Gawin natin ngayon. Malay mo this time mabuntis mo na ‘ko. Please, gawin mo na ang lahat sa ‘kin, just don’t leave me.

Dinampot ni Michael ang maleta niya at lumabas ng kwarto. Kinuha ko ang bag ko sa sahig at hinabol si Michael. Ibinato ko ang bag ko sa kanya.

“Hayop ka! Hindi pa tayo tapos! Alam ko kung anong ginawa niyo ng bago mong babae! Nasa inyo si Jenny! Nasa inyo si Jenny! Nasaan siya? Nasaan siya ha!?”

Natigilan si Michael. Napalingon siya sa ‘kin, “anong pinagsasabi mo?”

“Alam ko ang lahat, Michael! Pinatay niyong dalawa si Jenny at ibinaon niyo ang katawan niya sa isang malayong lugar! Hahanapin ko si Jenny! Humanda kayo sa ‘kin ng babae mo! Gaganti ako!”

Tuluyan nang naglakad si Michael papalabas ng bahay at ng aking buhay.

***

Nakahiga ako sa kama habang binabasa ang diary ni Jenny na nakita ko sa kanyang kwarto. Nalaman kong nagkakilala sila ni Michael sa eskwelahan din niya. Habang binabasa ko ito’y nakadama ako ng kakaibang takot. Nagulat na lang ako ng biglang may kumatok sa pinto. Papaano mangyayari iyon gayong mag-isa lang ako sa bahay? Dahan-dahan kong inilapag ang diary sa kama at tumayo. Patuloy pa rin ang mga pagkatok. Kinuha ko ang aking baril sa loob ng drawer malapit sa kama. Naglakad ako papalapit sa pintuan. Dahan-dahan. Inihanda ko ang aking sarili. Mabilis kong binuksan ang pinto at itinutok ang baril. Tumindig ang aking mga balahibo nang wala akong nakitang tao. Umihip ang malamig na hangin. Nanginig ako. Napatingin ako sa baril. Lalo akong natakot. Nabitawan ko ito. Tumakbo ako pabalik sa aking kama at nagtalukbong sa kumot. Sobrang bilis ng pagpintig ng aking puso. Kinapa ko ang kama upang hanapin ang diary ngunit ibang bagay ang aking nahanap. Buhok. Sumigaw ako ng malakas.

***

“Mahal ako ni Michael!”

“Hindi ka mahal ng asawa ko! He’s just bored! Pinaglalaruan ka lang niya!”

“Mahal niya ‘ko, Nora. At dinadala ko sa sinapupunan ko ang magiging anak namin! Isang kaligayahan na hindi mo maaaring ipadama sa kanya!”

***

Pasko. Nagising ako na galit na galit ang aking mukha. Una kong napansin ay ang mabahong amoy ng aming kwarto. Lalong tumindi ang amoy na ito. Inalala ko ang mga kakaibang pangyayari kagabi. Natakot ako. Posible bang may multo sa bahay na ito? My God. Hindi ko na alam kung anong uunahin ko sa mga problema ko.

Hubad akong pumasok sa banyo ng aming kwarto upang mag-shower. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin. Kinapa ko ang aking mga dibdib. Pinisil-pisil ko ang mga ito. Pinaglaruan ko sila, sunod ang aking mga utong. Napapikit ako sa sarap na dala ng aking ginagawa. Naglakbay pababa ang aking mga daliri papunta sa aking ari. Binuksan ko ang aking mata. Nagulat ako nang makita kong repleksyon ng isang nakakatakot na babae ang nasa aking harapan. Napaatras ako sa takot hanggang sa lumapat ang likuran ko sa pader ng banyo. Biglang nawala ang nakakatakot na babae. Akala ko’y okay na ang lahat hanggang sa narinig ko ang isang tinig:

“Nora.”

Nanggaling sa kisame ang tinig. Tumingala ako. Hinimatay ako sa aking nakita. Malakas ang pagbagsak ko sa sahig. Tumama ang aking ulo sa sahig ng banyo.

***

Dear Diary

December 21

Ilang araw na niya akong hindi kinakausap. Hindi rin siya tumatawag o nagtetext man lang. Hindi ko alam kung anong problema. Ang alam ko lang, na-mimiss ko na siya. Pinagdarasal ko lang ngayon na sana’y magparamdam na siya. Malapit na ang pasko. Ayokong maging malungkot ako sa araw na iyon.

Jenny

***

Nagising ako na nakahiga sa kama. Medyo masakit ang aking ulo na may benda. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Nakita ko si Michael na nakatingin sa ‘kin. Nginitian ko siya. Umupo ako at niyakap siya.

“Michael! Salamat at bumalik ka! Alam kong mahal mo ‘ko. Mahal na mahal din kita.”

“Nora, bumalik ako kagabi upang kunin iyong mga naiwan ko pang mga papeles ko. Nakita kitang nakahandusay sa banyo, duguan ang ulo. Anu bang nangyari sa ‘yo?”

“Ssshhh!” inilapit ko ang aking mga labi sa tenga ni Michael, “’Magigising mo siya! ‘Wag kang maingay, Michael!”

“Huh? Sinong ‘siya’, Nora?”

“Ang babaeng multo! Michael, may multo sa bahay na ito maniwala la sa ‘kin! Natatakot ako! Umalis na tayo dito!”

Tinitigan ako ni Michael. Nagmakaawa ako sa kanya.

“Nora, nakapagdesisyon na ‘ko. Gusto ko nang ipa-annull ang kasal – “

“Hindi! Hindi ako papayag,” bigla akong tumayo sa kama, “Hindi mo pwedeng gawin ‘yon, Michael!”

I’m sorry, Nora, pero nagawa ko na. Nakapag-file na ‘ko ng annullment.”

“Hindi ako pipirma! Ayoko! Tandaan mo, Michael! May nalalaman akong sikreto niyo ng kabit mo! Si Jenny! Ilabas niyo si Jenny! Nasaan siya? Ilang araw na siyang hindi umuuwi sa kanila! Nasa ‘kin ang diary ni Jenny! Alam kong nagkaroon kayo ng problema bago siya nawala! Ipapakulong ko kayo ng babae mo!”

Lumapit si Michael at sinakal ako, “Bakit hindi mo gawin, Nora?! Gawin mo, at nang makita mo ang hinahanap mo!”

Itinulak ako ni Michael sa kama. Napahiga ako. Naramdaman ko ang baril sa ilalim ng mga unan. Tumayo ako at itinutok iyon sa kanya.

“Anong gagawin mo? Papatayin mo ‘ko? Hindi mo magagawa iyon, Michael! Hindi!”

“Sige, Nora. Iputok mo ang baril! Sige! Iputok mo!”

Katahimikan ang namayani pagkatapos ang alingawngaw ng putok. Tumalsik sa aking mukha ang dugo ni Michael. Bumagsak siya sa sahig. Napaluhod ako at pinagmasdan ang hawak kong baril. Binitawan ko ito at gumapang papalapit kay Michael. Niyakap ko ang kanyang katawan. Nakaramdam ako ng ligaya. Hinubaran ko ang katawan ni Michael. Bumulong ako sa kanyang tenga: “Michael, one last chance.”

***

Dear Diary

December 22

Hindi ako makatulog. Hindi pa rin mawala si Michael sa isipan ko. Wala pa rin akong natatanggap na tawag o mga mensahe man mula sa kanya. Nalaman na kaya ng asawa niya ang relasyon namin? Pagod na ‘kong hintayin siya. Bukas pupuntahan ko siya sa kanila. Kailangan niyang malaman na buntis ako sa kanyang anak. Hindi ko siya kayang buhayin ng ako lang. Mahal na mahal ako ni Michael. Sigurado akong handa niyang panagutan itong buhay na nasa aking sinapupunan.

Jenny

***

December 23. Maagang umalis si Michael papuntang opisina. Nag-away na naman kami kagabi. Nagkasakitan kami. Hinampas niya ko ng hair dryer sa ulo at sinuntok ng ilang beses sa sikmura. Pinagsisipa niya ako nang nakahandusay na ako sa sahig. Pagkatapos nito ang sinakal niya ko. Pero itinigil niya ito nang mapansin niyang namumutla na ako. Alam kong mahal pa rin niya ko.

Punung puno nang pasa ang aking katawan kaya tumawag ako sa clinic para sabihan ang secretary ko na hindi ako makakapasok sa trabaho. Ayokong makita ako ng aking mga pasyente na mahina at sugatan. Isa akong doctor. I need to always look healthy.

Nahiga lang ako sa bahay buong araw. Wala akong ganang kumain. Pinagmasdan ko lang ang mga ulap sa kalangitan. Binalikan ko ang dati. Ang mga panahong masaya pa kami ni Michael. Iyong panahong hindi pa naming alam ang aming mga kakulangan. Mga panahong binubuo pa namin ang aming mga pangarap. Nakakalungkot isipin kung gaano kabilis magbago ang panahon, hindi ba? Kanina lang ay masaya ka, ngayon nama’y nagdurusa ka. Pero bakit hinahayaan natin ang ating mga sarili na magdusa kahit na kaya naman natin itong takasan? Dahil bas a pag-ibig? O takot lang ba tayong mag-adjust muli sa mga pagbabago?

Ayaw tumigil sa pag-ring ng doorbell. Si Michael ba ito? Pero may susi naman siya sa bahay. Nakalimutan ba niya? Tumayo ako mula sa kama upang buksan ang pinto.

Isang babaeng teenager na nakasuot ng school uniform ang tumambad sa kin pagbukas ko ng pinto. Hinahanap nito ang aking asawa. Tumibok ng malakas ang puso ko.

“Sino ka? Anong pangalan mo?”

“Jenny. Nasaan si Michael?”

“Ako si Nora, asawa ni Michael. Bakit mo hinahanap ang asawa ko?”

Pinagmasdan nito ang aking mukha. Napansin niya marahil ang mga latay at pasa dito.

“Binugbog ka na naman pala niya. Nasaan si Michael?”

Sinubukan kong takpan ang mga sugat ko ng aking kamay.

“Pumasok ka sa loob. Gusto mo ba ng kape o juice?”

“Nahihibang ka na.”

Pwersahang pumasok ni Jenny sa loob ng bagay habang isinisigaw ang pangalan ni Michael.

“Wala dito si Michael. Umalis siya ng maaga papuntang opisina. Sino ka ba? Bakit mo siya hinahanap?”

Tinitigan lang ako ng babae. Matagal. Pagkatapos ay tumakbo ito palabas ng bahay. Alam kong pupuntahan niya sa opisina si Michael. Hinabol ko siya. Hinila ko ang kanyang buhok ng maabutan ko siya. Pagkatapos ay humarap siya sa akin at itinulak ako.

“Anong problema mo!?” sigaw ni Jenny.

“Sabihin mo sa akin kung sino ka. Bakit mo hinahanap ang asawa ko?”

“Ako nga si Jenny! Masaya ka na?”

“Kaanu-ano ka ng asawa ko?”

Hindi siya kaagad nakasagot. Pinagmasdan muna niya ako ng matagal. Maluha-luha ang kanyang mga mata.

“Ako si Jenny, girlfriend ng asawa mo.”

Napapikit ako sa aking narinig. Hindi ko alam na darating ang araw na ito. Ang araw na kinatatakutan ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Nasa harap ko ngayon ang kabit ng aking asawa pero bakit wala na akong maramdaman? Manhid na ba ako sa araw-araw na pananakit at pambubugbog sa kin ni Michael? Nakalimutan ko na bang ako ang kanyang asawa?

“Samahan mo ko sa itaas,” mahinang sabi ko kay Jenny, “nagtatago doon si Michael.”

Naramdaman kong nag-alinlangan si Jenny. Pero ilang segundo pa ay kinuha niya rin ang aking kamay at sabay kaming umakyat patungo sa kwarto namin ni Michael. Nagsalita si Jenny habang papaakyat kami sa hagdan.

“Nora, buntis ako. Dinadala ko ang anak ni Michael.”

Natigilan ako sa aking narinig. Tila nawala ako sa aking sarili. Matutupad na ang pangarap ni Michael na magka-anak. Ngunit hindi ako kasama sa katuparan ng kanyang pangarap.

“Mahal ako ni Michael,” dugtong ni Jenny, “alam kong pananagutan niya ang aming anak.”

Humarap ako kay Jenny at nginitian ko siya, “masaya ako para sa inyong dalawa, Jenny.”

Unang pumasok si Jenny sa kwarto. Sumunod ako at kinandado ko ang pinto. Hinanap ng teenager si Michael sa paligid ngunit hindi niya ito makita. Pumasok din ito sa banyo pero wala doon ang asawa ko.

“Nora, nasaan si Michael? Akala ko ba nandito siya sa kwarto niyo?”

“Jenny, hindi ka mahal ni Michael. Ako ang mahal niya. Ako ang asawa niya.”

“Mahal ako ni Michael!”

“Hindi ka mahal ng asawa ko! He’s just bored! Pinaglalaruan ka lang niya!”

“Mahal niya ‘ko, Nora. At dinadala ko sa sinapupunan ko ang magiging anak namin! Isang kaligayahan na hindi mo maaaring ipadama sa kanya!”

Naglakad ako ng mabilis patungo sa drawer malapit sa kama namin ni Michael. Binunot ko mula dito ang aking baril. Itinutok ko it okay Jenny. Nanlaki ang mga mata nito.

“N-Nora, anong gagawin mo?”

Nginitian ko siya. “Jenny, you’re going down.

Pinagbabaril ko ang sinapupunan ni Jenny. Isang putok. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Tumigil lang ako nang bumagsak ang babae sa sahig. Upang masigurado kong patay na siya, binaril ko siya sa ulo. Binalutan ko ng kumot ang kanyang katawan at isiniksik ito sa ilalim ng kama. Nilinis ko ang kwarto namin ni Michael. Pagkatapos ay naligo ako upang tanggalin ang bahid ng dugo sa katawan ko.

Goodbye, Jenny.

Jenny***

Nahiga ako sa tabi ni Michael. Niyakap ko ang hubad ng katawan ng aking asawa, isang bagay na matagal ko nang hindi nagagawa.

“N-Nora,” bulong niya. Tuloy pa rin ang pagtulo ng dugo mula sa tama ng baril sa kanyang tagiliran.

“Nora, d-dalhin mo ko sa ospital.”

“Michael, it’s too late. Mamatay tayong pareho ngayong araw na ito. Magsasama tayo habambuhay.”

“N-Nora…”

“Michael, you still love me right? Mahal mo pa ko. Sabihin mo. Kahit na hindi kita kayang bigyan ng anak, mahal mo pa rin naman ako, ‘di ba?”

“Nora… may mga anak tayo.”

“Tumahimik ka, Michael! Hindi yan totoo!”

“N-Nora. Pinatay mo ang mga anak natin. Pinatay mo sila. You need help, Nora. Kailangan mong bumalik sa –  ”

Ikawalang putok. Isang bala para sa ulo ni Michael.

“Hindi, Michael. Ayoko nang bumalik sa lugar na iyon. Dito ang gusto ko. Sa bahay natin. Kasama mo. Magsasama na tayo habambuhay.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s