May Sikreto Ako, Hindi Mo Pwedeng Malaman

Lol. So I wrote this story way back in July 2007. I came across it again today while reading my old blog and gawd I just couldn’t help but cringe at some of the corny scenes here. Pero in fairness, some of them are actually pretty funny. The overall work is quite campy: it’s so bad it’s good. Let me you know what you think.

***

Bugsh. Kinapa ko ang puwet ko para tignan kung nasa katawan ko pa ito o baka naiwan na siya sa kama. Chineck ko din kung maayos pa rin ang pagkaka-arrange ng mga kasu-kasuhan ko sa katawan. Medyo masakit kasi ang kanang siko ko. Tumayo ako ng dahan-dahan. Baka kasi nadislocate ang isa sa mga buto ng vertebral column ko. Mahirap na. Wala pa man ding laman ang alkansya ko ngayon, pinambili ko ng bibliya. Mas mahirap daw ang walang kabanalan sa katawan. Okay lang na mahulog ako sa kama, ‘wag ko lang sanang makitang bumuka ang lupa at lamunin ako ng naglliyab na bibig nito. Sayang ang IQ ko.

Napatingin ako sa salamin. Tinaggal ko ang muta na nakatapal malapit sa inner canthus ng aking kanang mata. Pinagmasdan ko ang aking payat ngunit balinkinitang katawan. Nag-pose pa ‘ko sa harapan ng salamin na parang model. Ako si ‘Isadora’ sa mga parents ko, ‘Isay’ kay Ate, ‘Icing’ or ‘Ice’ sa mga friends ko. Labintatlong taon na akong nagsusuot ng makakapal na eyeglasses. Ewan ko kung bakit kaagad lumabo ang mga mata ko. Hindi kasi ako mahilig sa mga pagkain na may Vitamin A lalo ng ‘yung kalabasa. Ew. Ang lambot kaya nun, parang tae. Mas gusto ko lang talagang magsuot ng salamin kaysa mag-contacts. Natatakot kasi ako na kapag nakalimutan ko silang tanggalin at nakatulog ako, baka kainin ng mga mata ko ‘yung contacts kapag nasa REM cycle na ‘ko. Psychology student nga pala ako. Gustong-gusto ko kasing pinag-aaralan ang ugali ng isang tao, pero not to the extent na nanghuhula na ‘ko na parang si Madam Auring. ‘Wag ganun.

Teka lang, magbibihis na ‘ko.

Aray. Third time ko na bang matapilok? Hindi kasi talaga ako sanay na nakaheels. Sabi kasi ni Chippy mag-heels ako kasi daw naka-heels din silang tatlo, kaya heto, napilitan na ko kahit mukha akong ewan ngayon. Hindi naman ako mukhang…you know…di ba? Ayokong magsalita ng mga masasamang salita e. Masama ‘yun. Baka dumagdag na naman sa listahan ng mga kasalanan ko ‘yun at kapag hindi ko nabayaran ng kabutihan, baka ipakulong ako ni God sa impiyerno. Nakakatakot kaya dun. Sabi nung ka-club ko, parang microwave daw ang impiyerno. Mainet. Ayoko ng mainet. Baka magdry ang skin ko. Wala pa naman atang Vitamin E dun. Sabi naman ng iba, parang kaldera daw ‘yun. Naisip ko tuloy, parang pinasusyal lang ng ka-club ko ‘yung sinabi niya na parang microwave ang impiyerno. Anyways, ay, anyway pala, punta muna ako sa CR. Magpapaganda lang.

“OMG! Ice! You’re wore that rosary around your neck again and again!? Grabe ha. Ang laki kaya ng mga beads niyan! Imbes na magmuka kang Kristiyano, nagmukha kang Buddha!”

Nahilo ako. Ayan si Chippy. Ganyan talaga magsalita ‘yan. Nakakahilo. Sanay na ‘ko sa grammar niya. Normal na sa pandinig ko ‘yan. May boyfriend yan e. Si Hector. Taga-Ilocos Sur ata. Basta yung malapit sa Zamboanga. Obsessed yan sa boyfriend niya. In fairness naman kay Hec, may hitsura siya. ‘Yun nga lang, he’s kinda different. Pa’no? Makikita mo din.

“Chip, magtagalog ka na lang, pwede?”

“Ang sama mo talaga! I am just practicing my English vocallary!” sagot ni Chip habang naglalagay ng foundation sa mukha.

“Vocabulary.”

“Whatever! Hay naku Ice, nagkita kami ng lolo mo kagabi!”

“And?”

“Ayun, wala pa ring nangyari!”

“Hay naku, Chippy Maya De Los Santos Cardinal! ‘Wag mo kasi siyang pilitin kung ayaw niya!”

“E kasi naman Isadora! Tatlong taon na kami ng Lolo mo at ni bakas ng mga utong niya di ko pa nakiki –”

“Sssshhhhh! Ang ingay mo naman!”

Napatingin sa ‘min ang ibang mga babae sa CR.

“Mamaya na nga natin ‘yan pag-usapan,” ang sabi ko, “Mamaya, kapag present na din si Magda.”

“At Yiyie.”

“Ay, oo nga pala,” napatango ako, “At si Yiyie.”

***

Sa wakas, tapos na rin kaming magpaganda ni Chip. Oras na para lusubin namin ang classroom. Sana wala pa dun si Prof. Abla. Masyado kasi siyang istrikto at the same time, boring din. For sure naman wala pa siya. Yaher? Ala-sais  y media palang ng umaga. Seven ‘o clock pa ang start ng klase namin.

Habang naglalakad, nakatingin lahat sa ‘min ang mga mata ng mga human beings na dinadaanan namin. Para kasing magnet ang ganda ni Chip. Mukha siyang anghel outside, bobang demonya sa loob. Idagdag mo pa ang mga malulusog niyang boobs na parang mga papayang sinabit sa sampayan.

“Chip,” sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta ng classroom.

“Yes, my dearest?”

“Never mo bang naisipang pabawasan ang mga ‘yan?” ang sabi ko habang nakatingin sa mga hinaharap niya.

“Ang mga suso ko?” Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya narinig kami ng isang babaeng prof na dumadaan din sa corridor ng mga panahong iyon.

“Mga hija,” ang sabi ng prof, “kung pag-uusapan niyo ang mga ganyang bagay, ‘wag dito. Kung hindi niyo naman mapigilan, ‘wag masyadong malakas.”

“I’m apology, ma’am,” ang sagot ni Chip.

“We’re sorry, ma’am,” sagot ko sabay tingin kay Chip.

Naglakad na kaming muli.

***

Magulo ang mga upuan. Maingay ang mga estudyante. Ganito ang normal na atmosphere ng classroom namen. Isang babaeng may suot na sky blue na tube na may flowery thingies as designs, bloody red na mini-skirt na may bungo sa puwet at nakadangles na may pabitin-bitin na mga pinya ang lumapit sa ‘min. Sa sobrang kapal ng make-up niya, pwede mo na siyang sampalin at hindi niya iyon mararamdaman. Mala-Shirley Temple naman ang pagkakakulot ng buhok niya. Ang mga heels naman niya, doble ang height sa mga heels ko.

“CHIIIIIIIIP!” sigaw ng babae sabay yakap sa babaeng kasama ko, “Give me your bag, I’ll hold it for you.”

“No, thanks, Yie. I brought laptop inside e. It’s kinda heavy e. You know.” sagot ni Chip. Halos dumugo ang ilong ko sa grammar ng lola mo.

“It’s fine, Chip. Kakayanin ko for you,” sagot naman ni Yie.

“Okay. Ikaw ang bahala ha. I did not forced –” napahinto si Chip, “Ice, forced o force?”

“Force.”

“Magkasing-tunog naman sila. Okay lang ‘yun.”

“Oo nga, Ice. Hmph.” ang sabi ni Yie habang kinukuha kay Chip ang bag niya. Halos matumba si Yie sa bigat ng bag ni Chip.

“Whatever.” ang sagot ko.

“Yie, wala pa ba si Magda?” tanong ni Chip.

“Si Sister Magda? Wala pa e.” sagot ni Yie habang hawak-hawak ang bag ni Chip.

“Hindi ka ba nabibigatan diyan sa bag?” tanong ko kay Yie.

“Ha? Ang gaan nga e.” sabi niya habang tumatagktak ang pawis niya.

“Obvious nga.” sagot ko.

Umupo na kaming tatlo sa seats namin. Bumukas ang pinto ng classroom. Isang babaeng mukhang magsisimba ang pumasok. Naka-pony tail ang buhok niya, wala siyang make-up sa mukha, naka-puti na blouse at mahabang puti din na palda. Nakasandals lang siya na……… guess what, puti din. Dumiretso siya sa ‘min. May mala-anghel na ngiti sa kanyang mga labi.

“Hello,” ang sabi niya sa mahina’t mahinhin na tinig.

“Hi Magda!” sigaw ni Chip.

“Hi Chip and Yie,” bati ng babae, “And Ice.” dugtong niya.

“Hi din,” sagot ko sa mahinang boses.

Umupo siya sa tabi ni Chip.

“Saan ka galing kagabi? ‘Di ako nakapg-reply sa text mo kasi tulog na ‘ko e.” tanong ni Chip.

“Ah, sa prayer meeting. Tapos gumawa ako ng assignment. Ginawa ko na rin in advance yung iba pa nating assignments for next week.”

“Ang sipag mo naman talaga, Magda,” sabi ni Yie.

“Oo nga –” bigla akong ininterrupt ni Magda.

“Hindi naman, Yie. Kailangan ko lang talagang magsikap,” sagot niya, “Hindi kasi kami mayaman tulad nina Ice.” tumingin siya sa ‘kin at ngumiti, “Kung kay Ice, okay lang na hindi siya mag-aral, ako hindi pwede. Kung kay Ice, okay lang na gasta siya ng gasta, ako hindi pwede.”

“Nag-aaral din naman ako ng mabuti, Magda,” Sagot ko sabay yuko.

“Wala akong pakialam,” sagot niya with a sweet smile on her face, “Just joking.”

Ngumiti ako kahit hindi iyon ang gusto kong ipakita. Mabuti nga’t nakapagpigil pa ‘ko. Kung hindi, ipinagsigawan ko na sana ang isang sikretong siguradong gugulat kay Chip at Yie. Isang sikretong kapag sinabi ko ay sisira sa pagkakaibigang ito.

“By the ways, girls,” pinatid ni Chip ang katahimikan, “Monthsary namin ni Hec ngayon.”

“Ay, Oo nga pala!” sigaw ni Yie.

“Happy Monthsary sa inyo,” sabi ni Magda habang nakangiti pa rin.

Tahimik pa rin ako. Walang kibo.

“I’m planning to surprise him mamayang gabi,” sabi ni Chip.

“What kind of surprise?” tanong ni Yie.

“Secret!” sagot ni Chip na may halakhak.

“Ibulong mo sa ‘kin!” kulit ni Yie.

May ibinulong si Chip kay Yie.

“OMG!” nag-react si Yie.

“Ssshhhhh…’wag kang maingay!”

Tinakpan ni Yie ang bibig niya. Kasabay ng pagtakip nito sa malaki niyang bunganga, bumuka ang pinto at pumasok si Prof. Abla. Umpisa na ng pagkainip namin.

***

Dalawang babaeng mukhang mga bruha ang lumapit sa ‘min habang kumakain kami sa may canteen. Pamilyar ang mga mukha nila. No, kilala pala namin sila. Mga kaklasi namin. The Beyotches.

“Ang CHEAP ng mga damit sa Divisoria ‘no?” ang sabi ng isa na may emphasis sa salitang ‘cheap’.

“Oo nga ‘no,” sagot ng isa, “Pero mainit dun e, kulang pa ang ICE para mapawi ang init.”

“Ew! Ang CHEAP ha! ICE? Nag-aircon ka na lang sana!”

“Mahal ang aircon, Mare,” sagot ulit ng isa, “Kailangan ko pang maging pokpok like Maria MAGDA…..lena para lang makabili ng ganun!”

“YIE! Kadiri! I never dreamed of becoming a CHEAP prostitute like Maria MAGDA…lena para lang sa isang aircon! Magyeyelo, i mean, ICE na lang nga ako!”

Humalakhak ang dalawa na parang mga demonyong bakla. Tumayo si Chip, kinuha ang iced tea niya at ibinuhos niya sa isa sa mga beyotch. Tumingin lahat sa ‘min ang mga tao sa canteen.

“You daughters of a bitches! Putangina niyo! Lalo na ikaw Nova! Palibhasa, mukha kang tagihawat na tinubuan ng mukha!” sigaw ni Chip.

“Tangina mo rin!” sigaw ni Nova sabay sampal kay Chip.

“Tama na nga ‘yan!” sigaw ko, “Mura kayo ng mura! Masama yan! Nasa Ten Commandments ‘yan!” Patago akong nagbilang at inisip kung alin sa mga ten commandments ang nagsasabing ‘Don’t say bad words.’

“Hoy! ‘Wag kang makialam dito ha! PUTANGINA MO!” sigaw ng isa habang nakaturo sa ‘kin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dinakma ko ang buko juice ko at itinapon ito sa mukha niya, “PUTANGINA MO DIN GAGA KA! PANGET! MUKHA KANG PASAS!”

Tumayo si Yie, dinampot din ang softdrinks niya at ibinuhos sa dalawa, “Maligo kayo diyan mga amoy-puke!”

“Tama na ‘yan,” sabi ng mahinhin na boses ni Magda, “‘Nova, Oily, ayaw namin ng away. Tama na.” Maluha-luha ang mga mata ni Magda.

“Oily! Let’s gorabells!”

Tumakbo palabas ng canteen ang dalawang bruha. Umupo na kaming apat. Napansin kong ngumiti si Magda. A naughty smile.

***

Pag-uwi ko ng bahay, kaagad kong ibinaba ang bag ko sa may sofa at dali-daling dumiretso sa kusina. Kinuha ang ang isang garapon ng asin at tumungo sa harapan ng altar namin na nasa second floor ng bahay at malapit sa kwarto namin ni Ate. Dumakma ako ng asin mula sa garapon at itinapon iyon sa harapan ng altar. Lumuhod ako sa asin, ipinikit ko ang akong mga mata at itinaas ang aking mga kamay na parang ipapako sa krus. Nag-umpisa na akong magdasal. Medyo masakit sa tuhod ang ginagawa ko pero pakiramdam ko madami akong kasalanang nagawa ngayon kaya kailangan kong humingi ng kapatawaran sa Maykapal. Mas malapit ang impiyerno kaysa langit.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin ni Ate pero hindi ako natinag sa pagdadasal. Nagulat na lang ako ng bigla akong batukan ni Ate.

“HOY! Anong ginagawa mo diyan, Ising!?” bulalas ni Ate.

Tumingin ako sa kanya, “Shhh!”

“Shhh ka jan! Kailan ka pa sumali sa Opus Dei at nagcocorporal mortification ka diyan?”

“‘Wag ka ngang maingay, okay? Nagdadasal ako!”

“Hoy bakla! Kahit lumuhod ka pa sa bubog o kumain ng apoy, hindi mo na maiaalis sa sarili mo ang pagiging maldita!”

Bigla kong ibinuka ang aking mata. Pumintig ng mabilis ang aking puso. Dahan-dahan akong tumingin kay Ate habang nagsisimulang mamuo ang luha sa aking mga mata.

“O? Anong kadramahan yan?”

“A-ate, m-masama ba ‘ko?” iyak ko.

“Ha!?”

“Mapupunta ba ‘ko sa impiyerno?”

“Ano!?”

“ATE!!!!” sigaw ko sabay yakap sa paa ni Ate, “AYOKONG MALUTO NG BUHAY!!!”

***

Pagkatapos magdinner, kaagad akong naligo para matanggal lahat ng bacteria at masasamang mga elemento na kumapit sa katawan ko. Pagkatapos, naupo ako sa kama ko at ginamot ang mga mini-sugat ko sa tuhod.

“Ayan ang napala mo. Hindi na flawless ang skin mo,” sabi ni Ate.

“Hay naku, tigilan mo ‘ko. Mainit ang ulo,” sagot ko.

“Aba! May paganyan-ganyan ka na rin ngayon ah!” sagot niya, “Kaya nga hindi ka nagkakaboyfriend e! Walang lalakeng nakakatagal sa ‘yo! Ang weird mo kasi!”

Kinuha ko ang bulak at ibinato ‘yun kay Ate.

“I’m not weird! Hindi lang ako maintindihan ng mga tao!”

“Pa ‘no ka namin maiintindihan e ayaw mong sabihin sa ‘min ang nararamdaman mo!”

“E kasi hindi niyo naman ako maiintindihan!”

“Pa ‘no mo naman iyon nasisigurado aber!?”

“Basta!”

“Weirdo!” sigaw ni Ate.

“Dinampot ko ang bote ng alcohol. Akmang ibabato ko na ito sana sa kanya ng biglang nag-ring ang ‘Warrior is a child’ ringtone ng cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Chip.

“Hello? Chip?”

“OH MY GOD, ICE!!! PUNTA KA NGAYON DIN DITO SA BAHAY! I DON’T…I DON’T….HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN KO!!!!”

“Ha!? Bakit na naman!? Pinasok na naman ba kayo ng magnanakaw? O rapist? O –”

“HINDE! Mas grabe pa dun!”

“Oh my God, Chip! Kaluluwa na lang ba ang Chip na kausap ko ngayon!? Kailan ka namatay!?”

“Tangina mo! Basta pumunta ka na lang dito!” sigaw niya na halos mabingi na ‘ko sa lakas.

“Okay, Okay, I’m going!”

Pagbaba ko ng cellphone, itinuloy ko ang paggagamot sa aking mga sugat na parang walang nangyari.

“Sino ‘yun?” tanong ni Ate.

“Wrong number.” sagot ko. Biglang may pumasok sa isipan ko.

“Tulungan mo ang iyong kapwa sa oras ng kagipitan at pagpapalain ka ng Poong Maykapal.”

Bigla akong napatayo sa tumungo sa cabinet ko. Kaagad kong hinubad ang pajama ko.

“O? San ka pupunta!?” tanong ni Ate.

“May utos sa ‘kin ang Diyos!”

***

Ibinaba ako ng taxi sa harapan ng gate ng bahay nina Chip. Sa pagkakaalam ko, wala ang parents niya ngayon. Hindi ko alam kung anong problema na naman ang meron siya sa pagkakataong ito. Nang minsan, tinawagan din niya ko dahil may magnanakaw daw na nakapasok sa bahay nila. Pagdating ko sa kanila, punung-puno ng pulis sa loob ng bahay pero wala akong nakitang magnanakaw. Hindi lang pala niya narecognize ang panaginip sa katotohanan.

Dahil sa pagmamadali, binuksan ko ang gate ng hindi nagdodoorbell. Nagulat ako ng malaman kong bukas iyon. Pumasok ako sa loob. Hindi rin nakakandado ang main door ng bahay. Pumasok na ‘ko. Wala akong ingay na marinig. Dumiretso na ‘ko sa kwarto ni Chip. Malamang ay alam ko na kung nasaan iyon dahil madalas kaming nagpupunta dito. Pumanhik na ko sa second floor. Nang marating ko na ang pintuan ng kwarto ni Chip, lumapit muna ako at inilapat ang kanang tenga ko sa pintuan ng silid. May mga pamilyar na boses akong naririnig ngunit hindi ko masyadong matandaan kung kanino boses ang mga ‘yun. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Tumambad sa ‘kin ang tatlong babaeng nag-uusap na nakaupo sa kama.

“Chip,” napatingin si Magda kay Chip, “bakit nandito siya?”

“Ha?” sagot ni Chip, “pinapunta ko din siya.”

Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko.

“Magda? Yie? Chip! What’s happening here!” sigaw ko sabay bato kay Chip ng purse ko.”

“Kumalma ka nga!” sigaw ni Yie, “may malaking problema si Chip.”

“Anong problema?” tanong ko.

Napatingin si Chip sa likuran niya na takot na takot ang mukha. Nahalata kong they’re keeping something from me.

“Ano ‘yun?” tanong ko.

“Ice, promise me na ititikom mo ang bibig mo.” sabi ng takot na boses ni Chip.

“Bakit ba?” Lumapit ako sa kanila ngunit itinulak ako ni Magda in a ‘mahinhin’ manner.

“Ice, ipangako mong you’ll keep what you’re about to see a secret.” Iba ang mga mata ni Magda ng sinabi niya iyon.

“I…I promise.”

Hinawakan ni Magda ang kamay ko na may misteryosong higpit. Lumapit ako sa kanila at tinignan kung anong itinatago nila sa likuran nila. Punung-puno ng bloodstains ang kumot ni Chip.

“Oh my God, Chip!” sigaw ko, “You made me go all the way here para lang iparating sa ‘kin na may dalaw ka!?”

Umiling si Chip. Hinila niya ang madugo niyang kumot.

Tumambad sa ‘kin ang hubad at walang malay na katawan ng isang pamilyar na lalake.

Nanlaki ang aking mga mata at tinakpan ko ng aking kanang kamay ang aking bibig. Napatingin ako kay Chip at nakita kong humahagulgol na siya.

“Is he…dead?” tanong ko.

“Hindi ko alam!” sagot niya, “hindi na siya humihinga e!”

“Oh my God, Chip. You killed him!?” gulat na gulat pa rin ako.

“Hinde! Aksidente ang lahat!”

*** 

“Lovey-dovey, wala ang parents ko sa bahay ngayon,” panlalambing na sabi ni Chip kay Hector.

“Ganun ba,” sagot ng lalaki.

“Anong ‘ganun ba’!?”

“Bakit? Hindi ba ‘ganun’!?”

“Ha!? ‘Di kita gets! Ang gulo mo! Gets mo ‘ko?”

“Hinde,” mahinang sagot ni Hector.

“Por Diyos Por Santo, Hector! Three years na tayo at ni anino ng isa mong bulbol wala pa ‘kong nakikita!” sigaw na malakas ni Chip.

“Ang ingay mo naman,” mahinang sagot ni Hector, “Alam mo namang –“

“Ano!? Ano na naman ang dahilan mo ngayon!? Na bawal sa tribo niyo ang pre-martial sex!?”

“Pre-marital.”

“Shut up! Sasama ka sa ‘kin mamaya whether you like it or not! Diyos ko naman, Hector. Manhid ka ba!? Mag-react ka naman minsan! Kapag may kasalanan ako ikaw pa ang humihingi ng ‘sorry’! Wala ka bang pakiramdam!?”

Tumingin si Hector kay Chip, “Sorry.”

“Tangina mo!”

Itinulak ni Chip si Hector at napaupo siya sa kama sa loob ng kwarto nito. Nakatingin lang si Hector sa kanya, balisa. Tumatagaktak ang pawis niya. Para siyang isang batang naligaw at hindi siya mapakali. Parang isang estranghero si Chip sa kanya.

“O? Bakit hindi ka mapakali diyan!?” tanong ng babae habang nakatitig sa lalaki ang kanyang mga mala-demonyong mata.

“A-anong gagawin natin dito?” takot na tanong ng binata.

“Ano pa ba!? E di yung ginagawa ng mga tatlong taon nang magsyota!” sagot ni Chip ng pasigaw.

“Candlelight dinner?”

“Hinde!”

“Kakain tayo?”

“Oo!”

“Nasaan ang pagkain?”

Naghubad si Chip sa harapan ni Hector. Ilang beses na ring ginawa ni Chip ang ganito kay Hector ngunit sa pagkakataong ito, hindi na niya pakakawalan si Hector. Desperada na siyang matikman ang hinog na si Hector.

“I’m all yours tonight, my Lovey-dovey!” sigaw ni Chip.

Tinakpan ni Hector ang kanyang mga mata. Nanginginig siya sa takot.

“Anu ba naman ‘yan, Hec!”

“Natatakot ako!” sigaw ng lalaki.

“Natatakot saan!?”

“Diyan,” itinuro ni Hector ang pagitan ng mga hita ni Chip sa pamamagitan ng kanyang nguso.

“Gago! Maghubad ka na diyan!”

Pilit na hinubaran ni Chip si Hector. Halos mapunit ang damit ng lalake sa malalakas na mga hatak ng babae dito. Ilang beses di niyang nasabunutan at nakalmot ang kanyang kasintahan dahil sa labis na katigasan ng ulo. Nang mahubad nito ang pang-itaas ng nobyo, itinulak niya ito sa kama. Tinanggal nito ang sinturon ng takot na takot ng lalaki at pagkatapos ay hinila ni Chip pababa ang pantalon ni Hector. Tumambad sa dalaga ang magandang hubog ng katawan ng binata.

“OMG! Lovey! You’re sexy!”

Hindi pa rin maipinta ang mukha ng binata. Hindi rin siya makapagsalita sa bilis ng mga pangyayari. Pumaimbabaw si Chip kay Hector. Hinagkan nito ang kasintahan at dinama ang makinis ng kutis nito. Ipinasok nito ang kanyang kamay sa loob ng underwear ng binata. Nagulat siya ng bigla siyang itulak ni Hector. Nahulog si Chip sa kama. Tumayo si Hector. Tatakbo na sana ito palabas ng kwarto nang biglang hinila ni Chip ang isang paa ni Hector. Nawala sa balanse ang lalaki at tumama ang ulo nito sa patusok na parte ng bakal na stand ng computer ni Chip. Tumilamsik sa monitor ng computer ang pulang-pulang dugo ni Hector. Dumulas ang ulo nito kasama ang katawan niya sa mga keys ng keyboard ng computer. Tumunog ang computer. Bumagsak ang katawan ni Hector sa sahig. Walang malay.

dead man

***

Napaluhod ako sa aking narinig habang nakatakip pa rin ang aking kamay sa aking bibig. Mabilis pa rin ang tibok ng aking puso.

“My God, Chip,” sabi ko, “Napatay mo siya.”

“Hindi nga niya sinasadya!” sigaw ni Yiyie.

“Kailangan na nating mag-isip ng gagawin sa katawan niya,” sabat ni Magda.

“Ha?” pagtataka ko, “Hindi ba dapat pumunta tayo sa pulis?”

“Tanga ka ba?” sagot ni Magda na nakangiti, medyo sarkastiko, “kapag nagsumbong tayo, makukulong si Chip.”

Napayuko lang si Chip.

“E anong gagawin naten?” sagot ko.

“Chip, nandiyan naman ang kotse mo ‘di ba?” sabi ni Magda habang nakatingin kay Chip.

“O-Oo,” mahinang sagot ni Chip.

“Ibalot natin ang katawan ni Hector sa kumot. Tapos buhatin natin at dalhin sa kotse. Maghanap tayo ng lugar na pwedeng mapaglilibingan ng katawan niya. Tara na. Kumilos na kayo.”

Nakatingin lang ako kay Magda habang sinasabi niya ang mga bagay na iyon. Si Magda nga ba ang taong nasa harapan ko ngayon?

***

Nang marating namin ang isang madilim at matalahib na lugar, napagkasunduan nilang tatlo na doon na lang ilibing si Hector. Nagdala kami ng mga pala at iba pang mga bagay na maaaring makatulong sa paghuhukay. Ibinaba namin ang katawan ni Hector. Punong-puno ng dugo ang damit ko. Bago pa man din ‘to at medyo may kamahalan. Kahit sa mga ganoong pagkakataon ay naiisip ko pa rin ang mga ganung bagay.

“Ayun! Dun natin siya ilibing!” turo ni Yiyie sa isang lugar na may mahahabang mga damo.

Nagtulungan kami sa paghila ng katawan ni Hector hanggang sa marating namin ang lugar na sinasabi ni Yiyie. Bigla na naman akong sinumpong ng aking takot.

“Girls, hindi ko kayang gawin ‘to. I’m sorry,” ang sabi ko.

“I told you, Chip. Dapat hindi mo na lang siya pinasama sa ‘tin. Baka nga siya pa ang magsuplong sa ‘yo sa mga pulis e,” sabi ni Magda kay Chip.

“Chip, patawarin mo ‘ko,” kinuha ko ang kamay ni Chip at hinimas iyon.

“Sige. Umalis ka na. Pero pagkatapos mong umalis dito, kalimutan mo ng magkaibigan tayo,” sagot nito.

“Pero –”

“Umalis ka na.”

I ran without looking back. Hindi ko napansing nahulog pala ang purse ko sa isang parte ng madamong lugar na iyon.

***

“O? Nasaan na ang mga pala niyo?” tanong ni Magda, “Ako lang ba ang nakaalalang kunin ang pala sa kotse?”

“Oo nga pala,” sagot ni Yie, “Tara, Chip. Kunin muna natin.”

Mabilis na tumakbo pabalik ng kotse si Chip at Yie. Humigi’t kumulang limang metro ang layo ng kotse. Nahirapan din sila sa pagbalik sa kotse dahil sa mga damong mas matangkad pa sa kanila. Nang marating na nila ang kotse,  kinuha na nila kaagad ang mga pala nila sa compartment ng kotse, at pagkatapos ay kaagad silang bumalik sa madamong lugar na paglilibingan nila kay Hector.

***

Pag-uwi ko ng bahay, hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita. Lumuhod ako sa harapan ng altar at nagdasal habang yakap-yakap ang aking purse na punung-puno ng bahid ng pulang dugo.

***

Ginising ako ng malakas na buhos ng ulan sa labas ng aking bintana. Malamig ang paligid. Tinignan ko si Ate at balot na balot siya sa kumot. Napangiti ako. Tumingin ako sa aking harapan. Nakita ko ang sarili ko sa salamin na nasa harapan ko. Pagod na pagod ang hitsura ko. Halatang hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Napayuko ako at nag-isip. Pa’no ko haharapin sina Chip? Isang malaking pagsubok ang haharapin ko ngayong araw. Mas mabuti lang na umpisahan ko ito sa isang dasal. Ipinikit ko ang aking mata at humingi ng kapatawaran at paggabay sa Diyos.

Nag-abang ako ng taxi sa harapan ng gate namin habang may hawak na payong. Hindi pa rin gumagana ng matino ang pag-iisip ko. Pabalik-balik ang mga madugong larawan na nakita ko kagabi.

Kaagad akong sumakay sa humintong taxi sa harapan ko. Ang lamig ng paligid. Sa sobrang lamig, pati kalooban ko ay na-penetrate na ng karimlang bumabalot sa aking kapaligiran.

Umuulan pa rin pagdating ko ng school. Pagbaba ko ng taxi ay kaagad kong binuksan ang aking itim na payong. Hindi na kinaya ng payong ko ang lakas at bigat ng buhos ng ulan. Tumakbo ako ng mabilis patungo sa building namin na noo’y malapit na lang sa aking kinaroroonan. Pagpasok ko sa loob ng building, sinara ko ang aking payong at tumungo sa banyo sa may second floor. Akmang papasok na ako sa banyo nang bigla kong nakita si Chip na paakyat sa third floor. Tumakbo ako palapit sa kanya at hinila ang kanyang kanang kamay. Nahulog sa damit niya ang hot chocolate na dala-dala niya.

“Shit!” sigaw niya.

“I’m sorry,” sabi ko, “may kailangan akong sabihin sa ‘yo.”

“Wala na tayong dapat pag-usapan. Ikaw na ang bahala kung isusuplong mo ‘ko sa mga pulis. Taksil ka.”

“Pakinggan mo muna ko!” sigaw ko.

Nagulat ako ng may isang babaeng pumagitna sa aming dalawa ni Chip.

“Magda?”

“Ice,” ang sabi ni Magda habang nakangiti, “the very moment you left us there last night, para mo na ring tinalikuran ang pagkakaibigan natin.”

Tinitigan ko lang si Magda. Nagliliyab ang aking mga mata. Ibinaling ko ang aking tingin kay Chip, “Chip, please hear me!”

Hinawakan ni Magda ang aking baba at iniharap nito ang aking mukha sa kanya, “I am talking to you, Ice. Wala ba talagang istilo ang mga mayayamang tulad mo?”

“I don’t want to talk to you, bitch!” malakas na sigaw ko sa kanya na sa sobrang lakas ay tumalsik ang laway ko sa kanyang maputing pisngi.

Tinaggal na niya ang kanyang kamay sa aking baba at pinampunas ito sa laway na nasa mukha niya. Tinignan niya ‘ko. Nakangiti. Sobrang nagulat ako ng biglang nagalit ang kanyang mga mata.

“How filthy!” sigaw niya sabay tulak sa ‘kin. Napaupo ako sa sahig sa sobrang lakas ng kanyang pagkakatulak. Para siyang isang anghel na nagbagong anyo. Isang demonyo.

Napatingin ako kay Chip habang nakahandusay sa sahig. Nagulat din siya sa pinakita ni Magda. Hindi siya ang Magdang nakilala namin. Iyon din sa tingin ko ang iniisip ni Chip sa mga oras na ‘yun.

I stood back on my feet at tinignan din ng masama si Magda. Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Lumapit akong muli sa kanya at dinuraan ang kanyang mukha.

“Baka nakakalimutan mo, Magda. May alam akong sikreto mo. Ay, mali. May alam akong MGA sikreto mo. Saktan mo pa ‘ko at mapipilitan akong –”

Sinampal ni Magda ang aking kaliwang pisngi.

Ginantihan ko siya ng sampal.

Gumanti ulit siya.

Gumanti din ako.

Huminto lang kami ng inawat kami ni Chip.

“Tama na nga ‘yan!” sigaw ni Chip, “Ahas ka talaga, Ice! Halika na, Magda.”

Umalis sila. Naiwan akong mag-isa sa may hagdanan. Naupo ako sa isang baitang at umiyak. Humagulgol ako. Muli akong nagdasal habang hawak-hawak ko ang purse sa aking bulsa na naging saksi ng isang malagim na krimen.

***

Ilang araw pa ang nagdaan. Sa mga araw na iyon, maraming mga bagay na ang nangyari. Pumunta ang mga magulang ni Hector na galing pang probinsya sa school. Hindi nila mahanap ang kanilang ang anak. Hindi daw kasi siya nagrereply sa mga text messages nila at hindi rin tumatawag. Sobrang bigat ng loob ko ng makita kong iyak ng iyak ang kanyang Ina dahil sa pag-aalala. Narinig kong ibinenta pa nila ang kanilang nag-iisang baka para lang may magamit sila na panluwas papuntang Maynila. May mga pagkakataong nais ko ng pumunta sa pulis at magsumbong pero kailangan kong planuhin muna ang lahat. Matalino at tuso ang kalaban ko. Magagawa niya ang kahit anumang gustuhin niya.

***

Sabado. Nakaupo ako sa aking silya nang biglang lapitan ako ni Magda. Inilapat niya ang kanyang mga labi sa aking kanang tenga at may ibinulong siya. Noong una’y nagdalawang isip ako at inunahan ng takot. Pero bandang huli ay nilakasan ko na din ang loob ko at tumango.

***

Alas-nuebe na ng gabi. Wala ng tao sa buong campus kung hindi ang maintenance at mga estudyanteng pauwi na. Madilim na ang paligid. Nakapatay na ang mga ilaw sa mga building. Tanging ang mga ilaw sa classroom na kinaroroonan ko ngayon ang bukas. Nakaupo ako sa isang upuan. Nag-iisip habang hinihintay ang isa pang taong tutulong sa ‘kin para tapusin na ang malaking problemang kami rin ang gumawa.

Bumukas ang isang pinto ng classroom. Pumasok ang tatlong babae. Napatayo ako. Hindi ko inaasahan ang mga pangyayari. Si Magda lang ang ineexpect kong darating. Nagulat ako ng makita ko din sina Chip at Yiyie.

“Anong ginagawa nila dito?” tanong ko kay Magda.

“Bakit? Involved naman sila sa problema, hindi ba?” sagot ni Magda, “lalo na si Chip.”

“Pero hindi ganito ang pinag-usapan natin!” sigaw ko.

“So? Ayaw mo ba na nandirito din sila?” tanong ni Magda.

Natahimik ako at naupong muli habang nakatitig sa kanyang maamong mukha.

“Yie,” tawag ni Magda, “samahan mo ‘ko sa CR. Hayaan muna natin silang mag-usap.”

Tumango si Yiyie. Bago sila umalis, nag-iwan ng isang makapanindig-balahibong ngiti si Magda. Nanlaki ang aking mga mata. Bumilis ang pagtibok ng aking puso. Alas-nuebe ng gabi. Matatapos na ang lahat.

Hinawakan ko ang kamay ni Chip at niyakap ko siya. Hindi siya gumanti ng yakap. Tulala lang siya na nakatingin sa akin.

“Chip, forgive me.”

Nag-umpisang tumulo ang mga luha ni Chip sa hindi ko malaman na dahilan.

“Bakit ka umiiyak?”

“Mahal ko si Hector,” iyak niya, “Pero pinatay ko siya.”

“Chip, may kailangan akong sabihin sa’yo.”

“Ano iyon?”

“Si Magda, hindi siya mabuting tao.”

Tinulak ako ni Chip. Napaatras ako, “Huh? Bakit mo ba siya sinisiraan sa ‘kin? Nang iwan mo kami, siya lang ang nagcomfort sa ‘kin.”

“Chip, na-brainwash ka na niya! Hindi siya mabuting tao! Nakita ko sila dati ni Hector sa loob ng CR ng girls na –”

Sinampal ako ni Chip. Umalingawngaw ang malutong na tunog ng pagkakasampal niya sa ‘kin sa buong classroom.

“How dare you,” ang sabi niya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga braso ni Chip, “Believe me! Masamang tao si Magda! She had an affair with Hector! Matagal ko nang alam ‘to pero every time na gusto ko itong sabihin sa ‘yo, nauunahan ako ng takot! Magda is evil!”

“Bitawan mo ‘ko!” sigaw ni Chip, “I hate you, Ice!”

“‘Wag kang maniwala sa mga sinasabi niya! Hindi mo pinatay si Hector!”

Natigilan si Chip, “Huh? What do you mean?”

“Hindi ikaw ang pumatay kay –”

Namatay ang mga ilaw sa classroom. Isang malakas na sigaw ng babae na nagmumula sa malapit ang umalingawngaw sa buong gusali.

“Anung nangyayari?” sabi ni Chip habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“Fuck!” sigaw ko ng malakas, “Yiyie!”

Tumakbo kami ni Chip palabas ng classroom. Tinakbo namin ang mahabang corridor ng third floor papunta sa stairway pababa. Nang makita naming sarado na ang stairway dahil nahaharangan ito ng bakal ng gate, tumakbo kami pabalik sa kabilang dulo ng corridor para gamitin na lang ang elevator. Pinindot ni Chip ang buton. Umilaw ito.

“Akala ko tinanggal ni Magda ang power supply sa building. Bakit kaya gumagana ang elevator?” tanong ko.

“Naguguluhan ako, Ice. Hindi ko maintindihan ang nangyayari!”

“Chip, si Magda! Siya ang may kasalanan! Siya ang –”

Bumukas ang pintuan ng elevator. Bumagsak sa harapan namin ang katawan ng isang babae.

“Tangina,” napamura si Chip sa nakita. Lumuhod ako at inakay ang katawan ni Yiyie.

“Yie! Sinong may gawa nito!?” sigaw ko.

Bakas sa mukha ni Yie ang takot. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang magsalita.

“M-mag…..da……m-mag….i…ingat ka…yo………Nandi…to s-siya…….”

Nalagutan na ng hininga si Yie. Napaluhod si Chip at tinakpan ang kanyang bibig.

“Chip! Kailangan nating makalabas dito!” sigaw ko.

Hinila ko ang kamay ni Chip at tumakbong muli sa corridor. Sinubukan naming buksan lahat ng pinto ngunit ang pinto lang ng classroom na pinanggalingan namin ang bukas. Hindi namin alintana ang pagod. Hinihingal na kaming pareho pero sige pa rin kami.

“Ice! Bakit ito ginagawa ni Magda!?” umalingawngaw sa buong gusali ang sigaw ni Chip.

“Dahil –”

“Dahil ako ang pumatay kay Hector,” isang pamilyar na boses ang lumabas sa mga sa speakers ng gusali na konektado sa radio booth sa fourth floor.

“Huh!?” gulat na gulat si Chip.

“Oo. Ako si Magda, ang pumatay kay Hector.”

“Papanong –”

Tinignan ko si Ice. Ibinunyag kong ang sikretong matagal-tagal kong kinimkim.

“I told you, Chip. Dapat hindi mo na lang siya pinasama sa ‘tin. Baka nga siya pa ang magsuplong sa ‘yo sa mga pulis e,” sabi ni Magda kay Chip.

“Chip, patawarin mo ‘ko,” kinuha ko ang kamay ni Chip at hinimas iyon.

“Sige. Umalis ka na. Pero pagkatapos mong umalis dito, kalimutan mo ng magkaibigan tayo,” sagot nito.

“Pero –”

“Umalis ka na.”

I ran without looking back. Hindi ko napansing nahulog pala ang purse ko sa isang parte ng madamong lugar na iyon.

Patuloy ako sa pagtakbo ng mapansin kong wala sa aking mga kamay ang aking purse. Bumalikwas akong tingin. Tumakbo ako pabalik sa lugar ng paglilibingan kay Hector. Nagulat ako ng makita ko si Magda, may kausap na lalake. Noong una’y halos hindi ko makita ang mukha ng lalake kaya lumapit ako. Gulat na gulat ako. Si Hector. Buhay siya’t humihinga. Sinilip ko ang mga sumunod na pangyayari. Dinampot ni Magda ang kayang pala at pinagpapalo ang ulo ni Hector gamit ito. Kitang-kita ko ang bawat tilamsik ng dugo. Walang awang pinaghahambalos ni Magda ang walang kalaban-laban na si Hector. Umabot hanggang sa kinaroroonan ko ang dugo. Tumilamsik sa mga sapatos ko. Napayuko ako. Nakita ko ang aking purse sa aking paanan. Pinulot ko ito at tumakbo. Yakap-yakap ko ito, ako’y tumakbo, dala ang isang sikretong hindi mo pwedeng malaman.

“Hayop ka, Magda!” sigaw ni Chip, “Bakit mo ginawa sa ‘min ‘to!?”

“Bakit?” malakas na sagot ng boses sa speaker, “Dahil naiinggit ako sa inyo. Lalo na sa’yo, Ice.”

“Pero –”

“Maganda ka, matalino, mayaman. What more could you wish for? Kaya pinlano ko ito. Gusto kong makaranas kayo ng paghihirap…ng problema!”

“Pero bakit mo pa kinailangang pumatay!?” sigaw ko ng sobrang lakas gamit ang natitira kong enerhiya sa katawan, “Bakit pati walang muwang pinatay mo!?”

“Ice, kanya-kanyang taktika lang ‘yan,” tumawa siya. Mala-demonyo.

“Hayop ka!!!” Tumakbo si Chip patungong fourth floor. Alam na alam ko kung saan siya papunta.

“Ngayong gabi, isa lang sa atin ang matitirang humihinga. At sinisigurado ko, ako ang matitira sa ‘tin!” sigaw ng boses ni Magda.

Sinipa ni Chip ang pinto ng radio booth ng marating namin ito. Madilim sa loob. Tahimik. Pumasok si Chip.

“Chip! ‘Wag!” sigaw ko.

Isang anino ang lumabas sa kung saan man at sinakal si Chip. Humandusay sila sa sahig.

“Mamamatay ka!” sigaw ni Magda.

Nakita ko ang mahabang bakal sa tabi ng pintuan. Kinuha ko ito. Napatingin sa ‘kin ang anino ni Magda. Napatayo ito. Napaatras. Binitiwan niya si Chip at iniwan sa sahig.

“Itigil na natin ‘to,” ang sabi ko, “sumuko ka na sa mga pulis.”

“Hindi ako marunong sumuko, Ice!” ang sabi ni Magda habang patuloy siya sa pag-atras hanggang sa marating niya ang bukas na bintana ng radio booth. Lumakas ang ihip ng hangin.

“Papatayin mo ‘ko? Subukan mo!” sigaw pa niya.

Nang makita ko ang bukas na bintana sa likuran niya, sumigaw ako: “Magda!”

Ngunit huli na ang lahat. Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Magda hanggang sa marating ng kanyang katawan ang hangganan ng kanyang kinabagsakan.

Nahulog na si Magda mula sa fourth floor.

***

Kinabukasan, naibalita sa telebisyon ang pangyayari tungkol sa isang unibersidad na kung saan isang katawan ang nakita.

Ngunit, katawan iyon ni Yiyie.

Hindi natagpuan ang katawan ni Magda.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s