Unrequited

Don’t get me wrong, I know for sure that you love me and that you still do. Pero nitong huling mga araw na sunud-sunod ang mga pag-aaway natin, napakadami kong naisip at napagtanto tungkol sa ‘kin, sa ‘yo at sa atin. And of all these things that I have come to realize, one of them stood up: it is the realization that I’m the better lover in the relationship, which reminds me of a line from a Jennifer Love Hewitt movie, “They say there’s always someone in a relationship who loves more. Oh God I wish it wasn’t me.”

Apparently, I do not think this is a good thing, particularly for me. Una sa lahat, hindi ako sanay sa ganito. Sa lahat ng naging mga karelasyon ko sa nakaraan, ako lagi ang minamahal. Ako ang pinagsisilbihan. Ako ang pinapasaya. Ako ang iniingatan. Ako ang hinahalikan. Ako ang niyayakap. Tapos heto ka, dumating ka sa mundo ko. Binago mo lahat ng mga nagpapaikot ng nito ng hindi mo sinasadya. Hindi mo sinasadya. Kaya sa huli, ako ang talo. Ako ang agrabyado. Dahil wala akong masisi sa mga kabaliwan ko. Hindi mo kasalanan na pinipilit ko ang sarili kong tumawa sa mga corny mong jokes. Hindi mo kasalanan na handa kong labhan ng mga brief mo na hitik sa skid marks. Hindi mo kasalanan na hindi ko matiis na hindi makipagbati sa ‘yo kahit na baboy na baboy na ang pride ko. Hindi mo kasalanan na mas gugustuhin ko pang makasama ka kesa pumasok sa eskwela. Hindi mo kasalanan na okay lang sa ‘kin ang hindi kumain basta hindi ka lang magutom. Hindi mo kasalanan na handa akong makarating sa lupain ng Tir Na Nog mabili ko lang ‘yung mga gamot mo kapag nagsusuka ka kase hindi ko masikmura ang makita kang nahihirapan. Hindi mo kasalanan na mahal na mahal kita ng higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko. Wala akong masisi sa mga kabaliwan ko, kase alam kong hindi mo ‘ko pinilit na gawin ang mga ito para sa ‘yo.

Kailan ba nagiging kasalanan ang magmahal ng labis? Lahat ba ng sobra ay masama at bawal? Pa’no ko malalaman na hindi na tama ang mga bagay na ibinibigay ko sa ‘yo mapatunayan ko lang na mahal kita? Kapag ba nakahandusay na ‘ko sa sahig, namimilipit sa sakit at wala nang luhang mapiga mula sa ating mga mata? Kapag ba handa na kong mamalimos sa kalsada maibigay lang ang gusto mo? Kapag ba handa na kong isuko lahat ng meron ako masigurado ko lang na hindi ka mawawala? Kasalanan na ba ang magmahal kapag literal na sa bawat patak ng segundo, ikaw lang ang nasa loob ng mga kokote ko? Kailan kasalanan ang magmahal? Kapag ba hindi ko na mapagtanto ang kaibahan ng labis at kulang?

“Ang tunay na pag-ibig, hindi humihingi ng kapalit.” Masayang masaya ako sa tuwing napapasaya kita, walang duda iyon. Pero masamang ba’ng mag-demand ng parehong pagmamahal mula sa ‘yo? Boyfriend mo naman ako. Mag-iisang taon na tayo. Nitong mga nakaraang araw, napansin ko na parang mas gusto mo pang makasama ang ibang tao kesa makasama ako. Kumain kasama sila kesa makasama ako. Mas mahalaga pa sa ‘yo na maayos ang slacks mo kesa ang hindi ako ma-late sa trabaho. Walang kwenta sa ‘yo maghintay man ako ng matagal para sa ‘yo. Napakaliit na mga bagay pero nagpapakita ng tunay na pagpapahalaga.

“Sinabi ko bang hintayin mo ‘ko? E ‘di kumain ka na at huwag mo na akong hintayin.”
“Sinabi ko bang hintayin mo ‘ko? E ‘di mauna ka na para hindi ka ma-late sa work.”

Siguro nga ganito na dapat ang gawin ko mula ngayon. Tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ng gusto natin, makukuha natin. Hindi lahat ng hihingin natin sa isang tao, ibibigay nila. Kaya ko pa rin naman sigurong mabuhay ng hindi masyadong naka-depende sa ‘yo. ‘Yung parang ikaw ba, na okay lang at mabubuhay naman ng hindi ako kasama. Makakatulog ng mahimbing kahit na hindi mo katabi. Makakakain ng masarap at walang pag-aalala. Oras na nga siguro para bigyan ko naman ng panahon ang sarili ko. Pareho lang naman tayong tao, nangangailangan ng pansin at pagmamahal.

Masayang masaya ako para sa ‘yo at sa lahat ng tagumpay mo. At okay lang sa ‘kin makita mo man o hindi ang papel ko sa buhay mo. Sa bawat pagkabigo at tagumpay. Luha’t mga ngiti. Nandito ako. At kahit kailanman hindi kita iniwan o iiwan. Hindi ako nakikipag-break. Pero makakadama ka ng mga pagbabago. Mga pagbabago na pwede mong mapansin at pwede ding hindi, depende if you’re still paying attention.

Hindi ako mawawala, pero kailangan ko ding hanapin ang sarili ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s